SINO AKO?!.. SOMETIMES naisip mo ba kung may talagang nakakakilala sayo?.. or you feel that you are a total stranger even to your own self?... our personality most of the time changes depending on to whom we are with or to whom we are talking to.. yung tipong may criteria ba... kung mahinhin ang kasama mo dapat mahinhin ka din, kung makulet, dapat makulet ka din.. kung joker dapat may pang-punchline ka din na joke... kaya sa iba’t ibang tao, iba-iba din ang pagkakakilala sayo diba?... they just know you based on how you want them to.. in short, wala talagang nakakakilala sayo... isa kang malaking QUESTION MARK (?)... tapos sasabihin mo sa sarili mo, “bakit ganun?... di naman ako mahirap kilalanin, diba?”.... siguro kase takot ka... palagi mong inilalabas ang super powerful SHIELD mo para walang makalapit sayo... nakashield ka n nga nagsuot ka pa ng mascara..(kamusta naman yun?).. iniisip mo, mas protected ka kapag ganun... walang makakapanakit sayo, di ka mapapa-iyak.. walang makakapasok sa mundo mo...(hmmmm.. autistic ang drama.. hehehe) pero naisip mo ba kung masaya ka ng ganun?... na protected ka ng pang-full battle gear mo.. para kang ARMOR.. ako?... masasabi kong di man ako popular pero alam kong may isang tao nakakakilala saken ng buong-buo... as in kilala n nya talaga ako... kahit nakangiti ako, alam nya kung fake or hindi.. kapag gusto kong umiyak, alam nya kung ano dapat gawin.. yung makapagpapsaya saken ng totoo, alam nya kung ano... di na nya kelangan pang magtanong kung gutom na ako at kung anong gusto kong kainin... alam nya kung paano ako papatulugin.. kapag may sakit ako alam nya kung paano ako papainumin ng gamot..buong buhay ko alam nya.. lahat ng pinagdaanan kong sakit at kasiyahan... lahat ng sikreto ng buhay ko, sya lang ang nakakaalam...the truest person in my life... kapag panget ako sinasabi nya saken.. kapag di bagay ang kulay ng damit na suot ko, kapag mahaba na ang kuko ko, kung kelangan ko na magpagupit or mas bagay ang mahaba.. at sya lang ang nakakahalik sa kilikili ko.. hahaha... kaya kapag nawawala ako sa sarili ko,sa kanya lang ako pupunta, kahit text lang i’m back to my own self na ulit... I guess we can never lie to our own self... pero madalas mas gugustuhin pa nating lokohin ang sarili natin wag lang masaktan or makasakit ng iba...(hmmm, eh tama ba naman yun?)... pano tayo magiging totoo sa iba kung pati sarili natin di tayo totoo diba?.. its just that we don’t accept and believe things the way we should... sasabihin natin, ayoko tanggapin eh, MASAKIT kase ang katotohanan... pero maiiwasan ba nating masaktan?... eh yung mga bata nga nadadapa, dugo pa nga ang tuhod eh.. sa una talagang iiyak sila, masakit kya yun noh..., pero maya-maya makikita mo ayun, naglalaro na ulit na parang walang nangyari... bakit nga ba ganun ang mga bata?... kase siguro kahit nasaktan sila, masaya sila kapag naglalaro kaya ganun...bumabalik pa din sila sa mga kalaro nila... eh tayo?...kapag nasaktan kulang na lang isumpa ang mundo... kaya natututo tayong lokohin ang sarili natin... may mga gusto tayong gawin na di natin magawa.. may mga gusto tayong sabihin na di natin masabi... kase gusto nating panindigan yung ginawa nating SHIELD sa sarili natin eh effective.. gusto nating protektahan ang sarili natin.. kanino?... sa mga tao na akala natin walang gagawin kung di saktan lang tayo?... MALI!... ako, masaya ako dahil kahit isa may hinayaan akong makilala kung sino talaga ako.. at least hindi ako isang malaking QUESTION MARK.... tanungin mo sya ng kahit ano tungkol sa akin, at may sagot sya... eh ikaw?... aba, isip-isip.. baka may nagpapakilala na pala sayo di mo lang nakikita.. baka may sinasabi na pala sya sayo, di mo pa naririnig... baka hinahawakan ka na pala nya, ikaw ang bumibitiw... baka minamahal ka na pala nya, ikaw lang ang di nakakaramdam.... because you’re too busy making a world exclusively YOURS....